Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Ikalawang sulat sa mga taga-Corinto o 2 Corinto ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya, na sinasabing isinulat ni Apostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Corinto. Sinundan ito ng Unang Sulat sa mga taga-Corinto. Pinaniniwalaang tatlo ang liham na isinulat para sa mga Corintio subalit dadalawa lamang ang nakaabot sa pangkasalakuyang panahon.[1]
Isinulat at ipinadala ni San Pablo ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto noong mga anim na buwan (may nagsasabing pagkaraan ng isang taon[2] pagkalipas na maisulat ang unang liham. Ipinadala niya ang pangalawang liham sa pamamagitan ni Tito magbuhat sa Macedonia.[1]
Sinasabing mahirap sundan at wariin ang nilalaman ng Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto sapagkat isa itong tugon sa mga pananalita at mga damdamin ng ibang mga tao, mga bahaging hindi matutunghayan sa sulat na ito. Samakatuwid, may kakulangan upang maunawaan ng husto. Gayunman, napanatili sa liham na ito ang pagbibigay liwanag sa naging buhay ni San Pablo noong mga kapanahunang iyon, bilang isang tao at bilang isang tagapangaral ng Kristiyanismo.[2]
Nasulat ang ikalawang sulat ni Pablo para sugpuin ang mga paninirang ginagawa ng mga Hudyo, at para na rin maipagtanggol ang kaniyang misyong pampananampalataya.[1] Nakatuon ito sa sariling kaugnayan ni San Pablo sa simbahan o parokyang nasa Corinto, sa Gresya. Lalong lumala ang kalagayan ng mga Kristiyanong Corintio kaya't nilarawang ikinaluha at ikinagalit ito ni San Pablo. Nagpadala ng isang liham (ang isa pang sulat na hindi nakarating sa kasalukuyang panahon; hindi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto) na nagsilbing isang sermon at babala: pinagsasabihan niya ang mga taga-Corinto.[2]
Pagkaraang maipadala at maibatid sa mga taga-Corinto ang nilalaman ng sulat ni San Pablo (hindi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto), nagdala si Tito ng balitang nagsasaad na nagbagong-loob ang mga mamamayan ng Corinto. Lubhang ikinagalak ito ni San Pablo, gumaan ang kaniyang kalooban, at nagpapasalamat sa mga taga-Corinto. Kaya't naisulat niya ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto na kabahagi ngayon ng Bibliya, na nagpapaliwanag ng mga naging kilos ni Pablo at para rin magbalita ng hinggil sa kaniyang mga gawain habang malayo sa Corinto.[2]
Naririto ang nilalaman ng ginawang pakikipag-unayan ni Pablo sa Iglesya sa Corinto:
May tatlong pangunahing mga bahagi ang Ikalawang Sulat sa mga taga-Corinto: Una, ang pagtatanggol ni San Pablo tungkol sa kaniyang sarili (1, 1, - 7, 16). Ikalawa, mga abuloy na ukol sa mga taga-Jerusalem (8, 1, - 9, 15). At ikatlo, tungkol sa kaniyang pagiging alagad (10, 1 - 13, 13).[1] Naririto ang balangkas ng ikalawang liham ni San Pablo:
((cite ensiklopedya))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite ensiklopedya))
: CS1 maint: date auto-translated (link)