Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ng mga Bilang o Mga Bilang[1] ay ang ikaapat aklat sa Tanakh at sa Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa Pentateuko o Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.

Pamagat

Lumang Tipan ng Bibliya

Ginamit ang "Mga Bilang" bilang titulo ng aklat sapagkat naglalaman ito ng "dalawang pagbibilang o pagtatala" na ginawa sa bayan ng mga Israelita, na matatagpuan sa umpisa at sa pagtatapos ng paglalakbay nila sa ilang, sa kabanata 1 at 26.[1]

Mga bahagi

Binubuo ng tatlong hati ang Aklat ng Mga Bilang:

Kaugnayan sa Bagong Tipan

Sa Bagong Tipan ng Bibliya, may ilang mga kaganapan mula sa Mga Bilang na nabanggit si Hesukristo at maging ng kaniyang mga alagad: halimbawa na ang hinggil sa tansong ahas sa Ikatlong Sulat ni Juan (Jn 3, 14k), ang paghihimagsik ni Core sa 1 Corinto (1 Cor 10, 10), mga panghuhula ni Balam sa 2 Pedro (2 Ped, 15k), at ang pagbagsak ng tubig sa bato sa 1 Corinto (1 Cor 10, 4).[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Bilang". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.

Panlabas na kawing

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.