Ang sink (Kastila: zinc, Ingles: zinc ; mula sa Aleman: zink) ay isang mabughaw-bughaw na puti at makisap na metalikong elementong malutong kung nasa pangkaraniwang temperatura. Nagiging madali ang pukpok dito kapag nag-iinit, kaya't ginagamit bilang sangkap sa mga aloy o balahak na katulad ng bronse at bras o tansong dilaw. Ginagamit din itong sangkap sa paghihinang at maging bilang pantubog sa yero ng bubungan. Naibukod ni Andreas Sigismund Marggraf ang elementong ito noong 1746.[3][4][5]
↑De Guzman, Maria Odulio (1968). "Zinc, oksido de si(n)k". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN9710817760., pahina 195.