Si Hudas Iskariote ay isa sa mga naging unang labindalawang alagad ni Hesus at itinuturing na santong Romano Katoliko. Anak siya ni Simon Iskariote (ayon sa Juan 13:26).[1] Pagkatapos ng Huling Hapunan, ipinagkanulo niya si Hesus sa pamamagitan ng pagtanggap ng tatlumpung pirasong salaping pilak mula sa mga makapangyarihang laban sa pangangaral ni Hesukristo. Nadakip si Hesus, ngunit matapos na hatulan ng parusang kamatayan si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagsisi si Hudas Iskariote at nagpasyang kitlin ang sariling buhay sa paraan ng pagbibigti.[2]
Pangunahing artikulo: Labindalawang alagad |
Hindi maikakaila na nagkanulo o nagkulang kay Hesus ang lahat ng napili niyang mga unang alagad. Isa itong tanda na hindi walang bahid ng dungis ang simbahan, isang simbahang nilalayong maging perpekto. Subalit bagaman bahagi ng katuparan ng walang-hanggang plano ng Diyos ang nagawang kasalanan ni Hudas Iskariote, isa pa rin itong mali sa kaniyang pagpili at isang ring maling kapasyahan.[3] Dahil dito, naisatitik ni San Mateo sa kaniyang ebanghelyo ang ganitong mga kataga hinggil sa nagawa ni Hudas Iskariote: na "... sawimpalad ang taong nagkanulo sa Anak ng tao. Mabuti pa sa taong iyan ang hindi na siya ipinanganak..." Si Hesus ang tinutukoy ditong "Anak ng tao."[1][4] Ngunit mayroon ding paliwanag na maaaring may kasunduan sina Hudas Iskariote at Hesus kaya't walang pagtataksil na naganap. Dahil ito sa pangungusap na "Ang gagawin mo ay gawin mo agad"[4] (o "Gawin mo na ang dapat mong gawin"[5]) na nasa Ebanghelyo ni Juan (Juan 13:28)[1][4]
Nakilala si Hesus ng mga sundalong dumakip sa kaniya sa pamamagitan ng halik ni Hudas. Ang paghalik na ito naging tanda ng pagkakanulo kay Hesus ni Hudas Iskariote. Matatagpuan ito sa lahat ng mga ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya maliban na lamang sa Ebanghelyo ni Juan. Nasa ibaba ang mga piling sipi na bumabanggit sa paghalik ni Hudas kay Hesus bago dakpin ang huli. Matutunghayan din ang sipi mula sa Ebanghelyo ni Juan na hindi bumabanggit ng ginawang paghalik ni Hudas kay Hesus.
Nanggaling ito sa Ang Banal na Biblia ni isinalin ni Jose C. Abriol:
Nagbuhat ito sa Bagong Magandang Balita Biblia ng AngBiblia.net:
Inangkat ito mula sa Ang Dating Biblia:
Hinango rin ito mula sa Ang Dating Biblia:
Pangunahing artikulo: Ebanghelyo ni Hudas |
Muling isinasalaysay ng bawat ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya ang kamatayan ni Hesus upang gunitain at bigyan ng diin ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng paghihirap at kamatayan ni Hesus. Sa Ebanghelyo ni Marcos, sinasaad na kailangang magbata ng sakit at mamatay si Hesus upang maitulak ang pagdating ng kaharian ng Diyos at katapusan ng lahat ng mga bagay. Ipinapaliwanag naman ng Ebanghelyo ni Mateo na bahagi ng plano ng Diyos ang lahat ng mga naganap na ito, maging ang naging kasakiman ni Hudas, dahil sa pagtanggap nito ng salapi bilang kapalit ng pagdakip kay Hesus. Samantalang sa Ebanghelyo ni Lucas, ipinakitang may kapangyarihan si Hesus sa lahat ng mga nangyari sa kaniya - maging ang pagpasok ni Satanas kay Hudas - para matupad ang plano ng Diyos. Nilarawan naman sa Ebanghelyo ni Juan na si Hesus ang namamahala sa lahat ng mga kaganapan at kaniyang kapalaran, pati na ang pagkakanulo sa kaniya ni Hudas Iskariote. Sa nostikong Ebanghelyo ni Hudas na hindi kabilang sa mga ebanghelyong nasa Bibliya, tinampok naman si Hudas bilang unang martir sapagkat iginuhit na niya ang sariling tadhana nang ipasakamay niya si Hesus sa mga kawal na Romano.[1]
May ilang mga deskripsiyon ng kamatayan ni Hudas na ang dalawa sa mga ito ay kabilang sa Biblikal na Kanon:
Ang pag-iral ng mga magkakasalungat na salaysay ng kamatayan ni Hudas ay nagsanhi ng mga problema sa mga skolar na nakikita sa mga ito na pagbabanta sa pagiging maaasahan ng kasulatan. [11] Ang problemang ito ang isa sa mga puntong nagdulot halimbawa sa apolohistang Kristiyanong si C. S. Lewis na itakwil ang pananaw na "ang bawat pangungusap sa Kasulatan ay dapat katotohanang historikal".[12] May mga iba ibang pagtatangka sa paghaharmonisa ng mga talata na iminungkahi gaya ng isinaad ni Augustine na nagbigti si Hudas sa bukirin at ang tali ay kalaunang naputol at ang pagbagsak na ito ay nagpasabog sa kanyang katawan,[11][13] o ang mga salaysay sa Mga Gawa ng mga Apostol at Ebanghelyo ni Mateo ay tumutukoy sa dalawang magkaibang mga transaksiyon.[14] Ang ilang mga modernong skolar ay tumatakwil sa mga pakikitungong ito[15][16][17] na nagsasaad na ang salaysay sa Mateo ay isang eksposisyong Midrashiko na pumapayag sa may akda na itanghal ang pangyayari bilang katuparan sa mga propetikong talata ng Lumang Tipan. Kanilang ikinatwiran na ang may akda ay nagdagdag ng mga imahinatibong detalye gaya ng 30 piraso ng pilak at pagbibigti ni Hudas sa mas naunang tradisyon tungkol sa kamatayan ni Hudas. [18] Ang reperensiya ng Ebanghelyo ni Mateo sa kamatayan ni Hudas bilang katuparan sa isang hulang "sinalita sa pamamagitan ni Heremias na propeta" ay nagsanhi ng kontrobersiya dahil ito ay nagpa-paraphrase ng isang kwento mula sa Aklat ni Zacarias[19] na tumutukoy sa pagbabalik ng kabayaran sa 30 piraso ng pilak.[20] Ang ilang mga may akda gaya nina Jerome at John Calvin ay nagbigay ng konklusyon na ito ay isang halatang kamalian.[21] Ang ilang mga modernong manunulat ay nagmungkahi na ang may akda ng ebanghelyo ay maaaring nasa Jeremias ang mga talata na nasa isip nito[22] gaya ng nasa 18:1–4 at 19:1–13 na tumutukoy sa banga ng magpapalayok at isang isang libingan at sa 32:6–15 na tumutukoy sa isang libingan at isang bangang lupa.[23]
May mga ilang paliwanag kung bakit ipinagkanulo ni Hudas si Hesus.[24] Ayon (Matthew 26:14–16), ipinagkanulo ni Hudas si Hesus para sa 30 piraso ng pilak. Ayon sa (John 12:4–6), ang isa sa pangunahing kahinaan ni Hudas ay tila ang salapi. Ayon sa Luke 22:3–6 at John 13:27, si Satanas ay pumasok kay Hudas at tinawag siyang gawin ito. Isinasaad ng (John 6:64, Matthew 26:25) na nakita sa hinaharap ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas at ayon sa (John 13:27–28) ay pinayagan ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas.[25] Ayon sa Ebanghelyo ni Hudas na isinalin sa Ingles noong 2006, iniutos ni Hesus kay Hudas na ipinagkanulo siya.[26]
Si Hudas ay paksa ng mga kasulatang pilosopikal kabilang ang The Problem of Natural Evil ni Bertrand Russell at ang "Three Versions of Judas" ni Jorge Luis Borges. Kanilang isinaad ang mga problematikong ideolohikal sa kontradiksiyon sa pagitan ng mga aksiyon ni Hudas at sa kanyang walang hanggang kaparusahan. Ikinatwiran ni John S. Feinberg na kung nakita na sa hinaharap ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas, kung gayon, ang pagkakanulo ni Hudas ay hindi isang akto ng malayang kalooban (free will)[27] at kaya ay hindi dapat maparusahan. Ayon sa ibang mga skolar, ginawa ito ni Hudas ayon sa pagsunod sa kalooban ng diyos.[28] Ayon sa John 13:18, John 17:12, Matthew 26:23–25, Luke 22:21–22, Matt 27:9–10, Acts 1:16, Acts 1:20,[25] si Hudas ay maliwanag na nakatali sa katuparan ng mga layunin ng diyos. Gayunpaman ayon sa Matthew 26:23–25, kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak!. Ang kahirapan na likas sa kasabihang ito ang pagiging magkasalungat nito. Kung si Hudas ay hindi ipinanganak, ang anak ng tao ay maliwanag na hindi mamamatay ayon sa nasusulat tungkol sa kanya. Ang konsekwensiya ng pakikitungong ito ay ang mga aksiyon ni Hudas ay nakikitang kinakailangan at hindi maiiwasan ngunit tumutungo sa kapahamakan.[29] Si Erasmus ay naniwalang si Hudas ay malayang magbago ng kanyang kalooban ngunit ikinatwiran ni Martin Luther bilang pagtutol dito na ang kalooban ni Hudas ay hindi mababago. Ipinagpalagay na ang kapahamakan ni Hudas ay hindi mula sa pagkakanulo niya kay Hesus kundi sa kadeperaduhan na nagsanhi sa kanyang magpatiwakal.[30] Gayunpaman, ayon sa John 17:12, si Hudas ay napahamak na bago pa man siya nagpatiwakal. Ang pagkapamahak ni Hudas ay hindi inaayunan ng lahat. Ikinatwiran ng iba na walang indikasyon ni si Hudas ay kinondena sa walang hanggang kaparusahan. Ang iba ay nangatwirang si Hudas ay may malayang kalooban na tanggapin o itakwil si Hesus sa anumang panahon bago ang kanyang kamatayan.[31] Ayon sa kristiyanong si Adam Clarke "siya (Hudas) ay nakagawa ng isang kasuklam-suklam na akto ng kasalanan... ngunit siya ay nagsisi (Matthew 27:3–5) at kanyang ginagawa ang maaari niyang gawin upang ibalik ang kanyang masamang akto: kanyang ginawa ang kasalanan hanggang kamatayan, i.e ang isang kasalanan na sumasangkot sa kamatayan ng katawan, (kung ang kahabagan ay inalok ni Kristo sa mga mamamatay tao? (Luke 23:34)...) na ang parehong habag ay hindi iaabot sa sawing si Hudas?..."[32]
((cite ensiklopedya))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite ensiklopedya))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite ensiklopedya))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite ensiklopedya))
: External link in |title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite ensiklopedya))
: External link in |title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite web))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)