Ang dinastiyang Selyusida (Ingles: Seljuk /ˈsɛldʒʊk/ SEL-juuk; o Seljukids[1][2] Persa: سلجوقیان Saljuqian,[3] alternatibong binabaybay bilang Seljuq o Saljuq), kilala din bilang mga Turkong Selyusida,[4] mga Turkomanong Selyusida[5] o ang the mga Saljuqid,[6] ay isang Turkong Oghuz na dinastiyang Sunni Muslim na unti-unting naging Persiyanato at nag-ambag sa tradisyong Turko-Persa[7][8] sa medyebal na Gitnang Silangan at Gitnang Asya. Itinatag ng mga Selyusida ang Imperyong Selyusida (1037–1194), ang Sultanato ng Kermân (1041–1186) at ang Sultanato ng Rum (1074–1308), na sa tugatog nila ay umabot mula sa Iran hanggang sa Anatolia at pangunahing tinatarget ng Unang Krusada.
Nagmula ang mga Selyusida mula sa sangay ng Kinik ng mga Turkong Oghuz,[9][10][11][12][13] na noong ika-8 dantaon ay namuhay sa paligid ng mundong Muslim, hilaga ng Dagat Kaspiyo at Dagat Aral sa kanilang estadong Oghuz Yabgu,[14] sa kapatagan ng Kazakh ng Turkestan.[15] Noong ika-10 dantaon, malapit na nakipag-ugnayan ang Oghuz sa mga lungsod ng Muslim .[16]
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link)
((cite book))
: CS1 maint: date auto-translated (link) "The defeat in August 1071 of the Byzantine emperor Romanos Diogenes by the Turkomans at the battle of Malazgirt (Manzikert) is taken as a turning point in the history of Anatolia and the Byzantine Empire."