Ang Dakilang Saserdote o Punong Sasedote o Mataas na Saserdote o Punong Pari (Kastila: Sacerdote, Ingles: High Priest) at bihirang Dakilang Saserdotisa (Ingles: High Priestess) ay karaniwang tumutukoy sa isang indibidwal na humahawak ng opisina o posisyong pinuno-saserdote(pari) o ang pinuno ng isang kasteng relihiyoso.
Sa Sinaunang Ehipto, ang isang Dakilang Saserdote ang pangunahing Saserdote ng anuman sa maraming mga Diyos na sinasamba ng mga Sinaunang Ehipsiyo. Kabilang dito ang sumusunod:
Mga Dakilang Saserdoteng Theban ni Amun: Bagaman hindi itinuring na isang dinastiya, ang mga Dakilang Saserdote ng Thebes, Ehipto ay gayunpman ng gayong kapangyarihan at impluwensiya na ang mga ito ay epektibong mga pinuno ng Itaas na Ehipto mula 1080 BCE hanggang ca. 943 BCE.
Dakilang Saserdote ni Osiris: Ang pangunahing kulto ni Osiris ay nasa Abydos.
Dakilang Saserdote ni Ptah: Ang pangunahing kulto ni Ptah ay nasa Memphis.
Dakilang Saserdote ni Re: Ang pangunahing kulto ni Re ay nasa Heliopolis,
Asawa ng Diyos ni Amun: Ang pinakamataas na rumaranggong saserdotisa ng kulto ni Amun.